Paglikha ng mga kagamitang magbibigay ng impormasyon sa oras ng disaster o kalamidad na nakasulat sa iba’t-ibang lengwahe.
Multiligual sheet o listahan
Ito ay isang sheet na nakasulat sa maramihang wika at halimbawa ng mga pangungusap na kinakailangan kaagad. Dalawang klase ang naka publish sa ibat-ibang wika. Mangyaring gamitin at i-download. Ito ay di nababasa dahil waterproof.
- Sheet A: Wikang Hapon, Easy Japanese, English, Chinese (simple chinese character), Tagalog
- Sheet B: Wikang Hapon, Portugese, Korean, Chinese (traditional chinese character), Spanish
<Contents> Listahan ng mensahe:2 sheets, Sheets na may nakasulat na mensahe:52 sheets, Blankong sheet:1 sheet
※Ito ay kasama sa listahan ng sheet A.
Kung bubuksan ang PDF file at mag pi-print ay kailangang mag download ng Adobe ® Reader (walang bayad). Kung wala ka nito ay i-click ang banner para mai download.
Paglikha ng mga kagamitang mag bibigay ng impormasyon sa oras ng disaster o kalamidad na nakasulat sa iba’t-ibang lengwahe.
Ang Konseho sa mga Lokal na Autoridad para sa mga Pandaigdig na Ugnayan(Council Authorities for International Relations) ay lumikha ng mahahalagang computer tool na nagbibigay ng sari-saring impormasyon tulad ng pag didisplay ng impormasyon at pag aanawns para sa mga taga-ibang bansang residente sa maramihang lengwahe (text files at sound files).
Ang impormasyon ay nakasulat o nakalagay sa anim na lengwahe (English, Chinese, Korean, Portuguese, Spanish at Tagalog) at impormasyong nakasulat sa apat pang wika (Thai, Vietnamese, Indonesian, at Russian). Ang paggamit ng tool na ito ay ayon sa lifestyle-related, at disaster-related information. Maaaring gumamit ng iba’t-ibang lengwahe sa emergency shelters o mga makukublihan sa oras ng kagipitan (Information signboards atbp.).
- “Multilingual tool sa paglikha ng sheet “.
- “Multilingual tool mobile para sa sa paglikha ng impormasyon”.
- “Multilingual tool sa paglikha ng impormasyon gamit ang boses “.
(Ang mga tool na ito ay dapat naka install o nakalagay sa mga gumagamit ng computer.)
Kapag nangyari na ang disaster o kalamidad ay maaaring mahihirapan sa pag-gamit ng tool ng impormasyon. Gamitin o praktisin ng isang beses para malaman ang pag gamit nito. May iba’t-ibang uri ng kapaki-pakinabang na impormasyong makukuha sa iba’t-ibang lengwahe, tulad ng maraming palatandaan na maaring malikha o magawa at magagamit sa evacuation o emergency shelters. (Alamin ang mga dapat gawin at ihanda ang mahahalagang multilingual signs at mga impormasyon sa madaling panahon).