Pang kalusugang Insurance / Ospital
Insurance pang kalusugan
Kung kayo po ay nagbabayad ng insurance, makakatanggap ka ng insurance card (hokensho).
Kapag naaksidente at nasugatan makakatanggap ka ng benipisyo. Ang insurance ay may kanya kanyang bahagi, empleyado ng kompanya at sibil tagapaglingkod, sailors at kung may sariling kumpanya (insurance ng kumpanya), ang walang trabaho ay may National Health Insurance.
Kung sasali sa insurance ay makakatanggap ka ng health certificate (hokensho). Kapag ikaw ay na ospital, ang babayaran mo ay tatlong porsyento ng bayarin, pati na rin ang miyembro ng pamilya (depende sa edad)
Mataas na halaga ng pagpapagamot
Kapag lumampas sa inaasahang halaga ang binayaran sa loob ng 1 buwan (sariling pera) sa pagpapagamot, ay maaaring mapabalik ang sumobrang gastos.
Mga uri ng medikal
May klinika at malaking ospital na maaaring mapuntahan.
- Maliit na ospital at klinika: Dito ay limitado ang paggagamot at ang pumupunta lamang ay hindi malubhang karamdaman. Maaari ding ikonsulta ang kalusugan.
- Pang kalakalang ospital (malaking ospital) : Dito pumupunta ang mga may malubhang karamdaman dahil kompleto ang mga aparato at maaaring mag-stay ang may mga malubhang sakit na naoperahan.
-
Mga katanungang medikal na sistema na nakasulat sa iba’t-ibang wika M-Cube
Bago pumunta sa ospital, maaaring hanapin sa internet ang mga katanungan sa iba’t-ibang wika. May Web bersyon at mobile bersyon ng application (Android, iOS).
Iba’t-ibang wikang medikal na interbyu sistema M-Cube
* Mga wika sa bersyon ng Web: Japanese, English, Chinese, Korean, Portuguese, Indonesian, Japanese
*Mga wika sa bersyon ng Mobile: Japanese, English, Chinese, Korean, Russian, Spanish, Portuguese, Indonesian, easy Japanese
Mga medikal na katanungan
Maaari mong i-download ang palatanungan sa iba’t-ibang departamento sa pamamagitan ng iba’t-ibang wika