At iba pa
- Q: Gusto kong malaman kung paano ang pagtapon ng mga di nasusunog na basura (pati bisikleta), mataas kaya ang halaga ng babayaran ko?
- A:
Depende sa distrito ng lugar kung saan ka nakatira. Pakitanong ang mga detalye sa administratibo ng institusyon nito.
- Q: Gusto kong kumuha ng private Japanese lesson, maaari bang ipakilala mo sa akin ang guro?
- A:
Magtatanong ako sa volunteer ng SIC’s Japanese language tungkol dito. Pakisabi lang sa akin kung anong available na araw ang gusto mo?
- Q: Gusto kong mag-aral ng wikan Hapon.
- A:
Ipapakilala ko sa’yo ang mga grupong nag tuturo ng wikang Hapon, pagkatapos ay dumiretso ka sa kanila.
- Q: Marunong akong tumugtog ng biyolin "Erhu" (musical instrument/chinese violin), paki turo sa akin kung saan ako maaaring mag-perform nito.
- A:
Ang SIC ay mayroong system of volunteer for introducing multiculture. Maari kang mag aplay o mag pa reserb dito.
- Q: Ang mga overseas high school student ay bibisita sa aming eskuwelahan, maaari bang pakituro sa akin ang pag-aayos ng pambansang bandila sa lugar ng pag mimitingan?
- A:
Ayon sa protocol (international courtesy), ang foreign flag ay dapat nasa kaliwa at ang Japanese national flag ay dapat nasa kanan.
- Q: Gusto kong matuto ng flower arrangement, pero saan ko matatagpuan ang eskuwelahan para makapasok dito?
- A:
Maaring mayroong mga eskuwela sa local public halls para dito kung saan malapit sa iyong tirahan.
Paki-check mo muna ang lugar sa “Shimane Manabi” at itanong ang mga detalye (tungkol sa lugar)
- Q: Wala akong sasakyan, pero gusto kong malaman kung paano makarating sa Tamatsukuri hot spring.
- A:
Mayroong dalawang daan na pwede kang sumakay, sa ruta ng bus o sa JR (train) mula sa Matsue Station. Kung sasakay ng bus ay aabutin ng 30 minuto, kung sa sasakay ng JR”Kudari” (train) ay aabutin ng 10 minuto papunta sa “Tamatsukuri Onsen”.