Nag papahiram ng pambansang bandila, pang lamesang bandila (maliit) para gamitin sa mga internasyonal na event o pag-titipon.

Paraan ng Pagpapahiram

Tumawag po sa telepono o mag punta sa opisina. Mag sumite ng form . (Fax available)

Ang hinihiram na bagay ay kailangang kuhanin sa opisina ng SIC. Kung ang hihiraming bagay ay kailangang ipadala sa inyong lugar, ang mag babayad ng pampadala ay ang hihiram. Kung isasauli at hindi makakapunta sa opisina ng SIC ay ipadala ang hiniram at kailangang ang humiram din ang mag babayad ng pampadala.

I-click dito para sa application form para sa paghiram ng mga pambansang watawat, atbp.

Bayad sa Renta o Arkila

  • Ang pambansang bandila (sa buong sukat) ¥517/bawat bandila (kasama ang tax)
  • Bandila na pang mesa ¥308/bawat bandila (kasama ang tax)

* Mga pambayad: Ang kabuoang halaga ng hiniram ay kailangang bayaran sa nakatakdang araw ng buwan pagkatapos na ipadala ng SIC ang listahan ng hiniram.

* Diskwento: Ang kalahating presyo na diskwento ay ilalapat sa mga miyembro na sumusuporta sa Center (SIC), mga rehistradong boluntaryo, at mga taong inaprubahan ng Center.

Pagpapahiram

Ang pag papahiram ng bagay ay isang linggo po lamang. Tumawag kaagad sa amin kung hindi maisasauli sa tamang oras ang hiniram.

Paalala

Ipaalam lang po sa amin ng maaga kung ang hiniram na bagay ay nadumihan o namantsahan, nasira o nawala. Kung ang bagay na hiniram ay nagkaroon ng sobrang pagkasira, gaya ng hindi na magagamit ng susunod na manghihiram. Ang nanghiram ay dapat magbayad ng halaga ng nasira kapag isinauli.

  • Huwag gamitin ang pambansang bandila sa labas ng kung masama ang panahon o umuulan.
  • Huwag tutupiin ang pang lamesang watawat (maliit).