Tungkol sa Go-en Shimane, konsulta sa iba’t-ibang wika sa pagtatapos ng taon at pista opisyal ng Bagong Taon

Simula Hunyo 2019, kami po ay magtatatag ng tanggapan ng konsultasyon na tinatawag na “ONE STOP CENTER” sa Shimane International Center upang tumugon sa iba’t ibang impormasyon at konsultasyon tungkol sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga dayuhang residente.
Libre po ang konsultasyon. Mahigpit po naming iingatan ang inyong sekreto. Huwag mag-alinlangang gamitin ito.

Nilalaman

Pamamaraan para sa paninirahan, trabaho, pangangalagang medikal, kapakanan, panganganak, pangangalaga sa bata, edukasyon ng mga bata, iba pang mga bagay tungkol sa pamumuhay.

Paano gamitin

1. Tawagan ang numero at sabihin, “Tagalog onegaishimasu” (Gusto kong makipag-usap sa Tagalog)
2. Mangyaring maghintay ng ilang sandali para ilipat sa interpreter.
3. Kausapin ang interpreter.
4. Maaaring kumunsulta sa isang propesyonal na institusyon nang direkta sa pamamagitan ng isang interpreter.
Telepono para sa Konsultasyon: 070-3774-9329
(May charge po ang tawag)

SKYPE ID: Soudan@sic (May charge po ang tawag)

Mga taong maaaring gumamit ng serbisyo

Mga dayuhang residente

Mga suportadong wika (23 na wika)

Ingles, Tsino (Beijing),Tagalog, Portuges, Vietnamese, Korean, Nepali, Indonesian,  Thai, Espanyol, Burmese, Khmer (Cambodia), Russian, French, Aleman, Italyano, Malay, Mongolian, Sinhala, Hindi, Bengali, Ukraine, Urdu (Pakistan/India)

* Ang may salungguhit na wika ay ang mga wika na idinagdag noong Abril 2024.

Araw at Oras ng serbisyo

Lunes hanggang Biyernes 9:00 am hanggang 5:00 pm
(Maliban sa mga piyesta opisyal at ika-29 ng Disyembre hanggang ika-3 ng Enero)

Iba pang paraan ng konsultasyon

E-mail address: soudan@sic-info.org

Messenger: Facebook “Go-en Shimane” Messenger

 (Facebook) https://www.facebook.com/SMGC.OneStopCenter.tgl

* Palaging available ang E-mail Messenger para sa konsultasyon, ngunit tutugon kami sa oras ng bukas ang opisina.

* Maaari ka ring bumisita sa opisina o kumonsulta sa ZOOM. (Kinakailangan ang pagpapareserba)

Mga sinusuportahang wika (6 na wika)

Ingles, Tagalog (Philippines), Tsino, Vietnamese, Portuguese, Easy Japanese

*Sa kasalukuyan, sinuspinde ang suporta sa Portuguese.

Flyer

A4 size (Harap: Japanese, Likod: 21 wika)

Flyer

Mga leaflet ng wikang banyaga (card, harap at likod)

Multiligual

Tagalog