Mga dapat gawing pamamaraan sa munisipyo
Sertipiko ng residente
Ayon sa pagbabago ng sistema ng resident card. Ang sertipiko ng residente ay maaaring makuha sa munisipyo. Ayon sa bagong sistema ang may asawang Hapon na dayuhan ay makakasama sa sertipiko ng residente.
Abiso ng Address (pagpapalit)
- Abiso ng paglipat: Kapag nakalipat, kailangang ibigay kaagad sa munisipyo ng nilipatan ang sertipikasyon ng paglipat sa munisipyo sa loob ng 14 na araw.
- Abiso ng pagbabago ng address: Kapag lilipat ng tirahan at pareho ang munisipalidad, kailangang pagkalipat ay mag bigay ng abiso ng paglipat sa loob ng 14 na araw.
- Abiso ng paglipat ng tirahan: Kapag lilipat sa ibang munisipalidad o uuwi ng sariling bansa, bago lumipat ay humingi ng sertipikasyon ng pag lipat sa munisipyo. kapag nakalipat sa bagong address ay pumunta sa munisipyo at mag bigay ng abiso ng paglipat.Maaaring isagawa ito sa loob ng 14 na araw bago lumipat.
Pagpaparehistro ng name stamp (hanko)
Sa halip na pirma, name stamp (hanko) ang ginagamit. Stamp (hanko) ang ginagamit kapag pipirma ng mga importanteng dokumento. Ang stamp (hanko) ay kailangang iparehistro sa munisipyo.
Rehistro ng pagpapakasal
Kapag magpapakasal, kailangang iparehistro ang address ng isa sa inyo na kung saan ito may record.kailangan din itong ipaalam sa imigrasyon ng sariling bansa at sa imigrasyon ng Japan.
Kapag ang nag pakasal ay parehong dayuhan, kailangan din itong ipaalam sa dalawang parte ng imigrasyon.
Rehistro ng diborsyo
Kung mag dedeborsyo, alin man sa address ng mag-asawa ay dapat ipaalam sa munisipyo. Kailangan ang pamamaraan sa malapit na imigrasyon at embahada.