Q: Gusto kong palitan ang Philippine driver's license sa Japanese driver's license. Ano ang mga dapat kong gawin?
A:

Mayroong kundisyon dito na kailangang may tatak ka sa pasaporte na nakapag-stay ng humigit o lumagpas pa sa tatlong buwan, bago ka pumunta o bumalik ng Japan pagkatapos makakuha ng driving license sa Pilipinas.

Bago ang lahat, pumunta ka muna sa JAF (Japan Automobile Federation) at ipa-translate mo sa wikang hapon ang iyong driver’s licensed na galing sa Pilipinas (May bayad ang translation) Pagkatapos, tumawag sa driver’s license center para sa pagpapa-book ng date para sa pag sumite ng mga dokumento para sa driver’s license. Ang mga dokumento na kakailanganin sa pag-aaplay ng Lisensiya:

  1. Application form ng driver’s license (nandoon po ito sa lugar ng pag kukuhanan ng lisensya)
  2. Foreign driver’s license
  3. Japanese translation ng foreign driver’s license
  4. Pasaporte
  5. Foreign Resident Card

Pakibigay ang mga ito sa kanila at magpa-interview. (Tatanungin ka kung paano ka nakakuha ng driver’s licensed sa iyong bansa at iba pa…) Makakakuha ka ng interpreter o tagapagsalin sa wika kung kinakailangan, sabihin lamang ng maaga.
Ang resulta ng pag susuri sa iyong mga papeles ay ipapahayag mula sa license center pagkaliban ng mga ilang araw.

Kung ikaw ay pasado sa pag susuri ay kukuha ka ng written test (sampung katanungan na nakasulat sa Japanese, English Chinese, Portugal, Spanish at Korean) Tandaan na hindi ka maaring magkaroon ng interpreter sa oras ng test o pagsusulit.

Kung magpapareserba ka, pakikumpirma ang mga detalye gaya ng mga kakailanganing dokumento o mga kailangang bayaran.
(Shimane Driving License Center TEL: 0852-36-7400, Western Driving License Center TEL: 0855-23-7900)
(JAF: Shimane branch TEL: 0852-25-1123, JAF General Information Service Center TEL: 0570-00-2811)

Q: Wala akong driving license card sa bansang pinanggalingan ko. Paano ako makakakuha ng lisensya dito sa Japan?
A:

Kung wala kang lisensiya mula sa iyong bansa, kailangan mong umatend sa driving school at kumuha ng practical test sa Japanese langguage sa Driver’s License Center. (Shimane Driving License Center TEL: 0852-36-7400, Western Driving License Center TEL: 0855-23-7900). Maari kang pumili ng wikang gusto mo upang makapag-exam. ( Japanese, English, Chinese at Portuguese).

Q: Gusto kong bumili ng used kei car. Anong klaseng proseso ang kakailanganin ko gawin?
A:

Mga kailangang dokumento (Required documents):

  1. Application form
  2. Statement of payment (resibo ng nabayaran)
  3. Certification of transfer
  4. Certificate of a seal impression
  5. Certification of parking place
  6. Automobile inspection certificate
  7. Declaration card of car tax
  8. Declaration of acquired car tax
  9. Compulsory automobile ng liability insurance

*Hindi mo kailangang kumuha ng garage proof ng kei car bago magparehistro.