Q: Tumutulong ba kayo sa mga banyaga o taga-ibang bansang estudyante na papasok sa elementarya sa susunod na taon?
A:

Ang SIC ay may sistemang suporta para sa mga bata. Kung ang mag-paparehistro ay nakatalang nakatira sa iyong siyudad, may posibilidad na magpadala sila ng suporta. Ang eskwelahan na papasukan ng inyong anak ay may request sa inyong siyudad, bayan at nayon na manggagaling sa Board of Education, kaya kailangan n’yong ibigay ang request form na ito sa eskwela.

Kung ang inyong anak ay mangangailangan ng tagapagsalin sa wika, tumawag lamang sa SIC para magpadala ng interpreter. Ang numero ng telepono ng SIC (0852-31-5056).

Q: Nalaman ko na ang SIC ay may sistema ng pagpapadala ng Japanese instructor volunteer para sa mga batang dayuhan, may posibilidad bang maipasok sa eskwelahan ang bata kahit saan sa Shimane?
A:

Mayroong mga lugar o ereya na tumutulong at may lugar din na wala, pero susubukan naming makatulong sa abot ng aming makakaya. Bago ang lahat pumunta sa eskwelahan at magtanong.