Mga Emergency at Sakuna

Ipinapaliwanag namin kung paano tumawag sa telepono sa oras ng emergency, kung ano ang dapat tandaan sa panahon ng sakuna, at impormasyon na makakatulong kapag kailangang lumikas.

※ Para sa karagdagang detalye, pakitingnan ang “Guidebook sa Pamumuhay at Pagtatrabaho(Kabanata 10: Pang-emergency at Sakuna)” sa ibaba.


① Pagtawag kapag may Emergency

  • Kapag may biglang nakaramdam ng matinding sakit, nasugatan, may sunog,
    at iba pa. → tumawag sa 119
  • Aksidente sa trapiko, krimen, atbp. → tumawag sa 110

② Sakuna

  • Bagyo at localized torrential downpour (matinding pagbuhos ng ulan)
  • Lindol
  • Tsunami
  • Pagputok ng bulkan

③ Paglikas/Evacuation

  • Lugar ng paglikasan
  • Impormasyon tungkol sa paglikas/evacuation
  • Sa oras ng paglikas/evacuation
  • Pagkuha ng weather information na makakatulong sa oras ng sakuna

(Sa wikang Tagalog) “Guidebook sa Pamumuhay at Pagtatrabaho” (Kabanata 10: Pang-emergency at Sakuna) 【Immigration Services Agency of Japan】

Paghahanda sa panahon ng disaster o kalamidad

Mga dapat dalhin sa panahon ng kagipitan (flashlight, radio, pagkaing pang emergency, inumin, mga iniinom na gamot).

Depende sa lugar na inyong tinitirahan ang kanlungan ay naiiba, kaya tiyakin ang mga evacuation center o kanlungan na malapit sa inyong lugar.

Kapag nawala ang pasaporte

(Sertipiko ng pagkawala) humingi nito sa malapit na estasyon ng pulisiya. Pagkatapos nito ay iproseso at mag pa isyu muli sa embahada o konsulado ng sariling bansa.