Buwis / Pensyon
Buwis
Ang mga nakatira sa Japan, kung may natatanggap na sweldo kahit na dayuhan, ay kinakailangang mag bayad ng tax.
Ang mga nag tatrabaho sa kumpanya ay otomatik na kinakaltas sa sweldo. Bukod dito ang income tax ay sa tanggapan ng buwis, at ang buwis ng residente ay binabayaran sa munisipyo.
Kung may dependent sa Japan, maaari kang mag apply para mabawasan ang tax at ibabalik sayo (income tax refund).
Pensyon
Ang sistema ng pampublikong pensyon ay para sa mga may edad, may kapansanan, at upang makatanggap ng pagbabayad mula sa welfare pension kapag sila ay nawala na. Kapag tumanda, nagkaroon ng kapansanan, kapag namatay ay makakakuha ng garantiya.
Ang mga uri ng pensyon ay pambansang pension at welfare pension. Ang nag submit ng notipikasyon ng pag babago ng address at nagbayad ng insurance sa Japan ng mahigit sa anim na buwan, pag kauwi sa sariling bansa, kung kukuhanin bago mag 2 taon ay mababayaran. Bago umuwi ay siguraduhin sa opisina ng social insurance.
May mga sistema ang pambansang pension at sistema ng mga mag-aaral ng espesyal na pagbabayad. Kinakailangang taon-taong ganapin ang pamamaraan ng prinsipyo. Tiyakin lamang sa kinauukulan ang tungkol sa pension.
- Multingual living imformation council of local authorities for international G. pension (Tagalog)
- Serbisyo ng pensyon sa Japan
Sertipiko ng income tax / katibayang may kinikita
Kakailanganin sa pagpapalit ng katayuan ng paninirahan / Pagpapalit at paglipat sa pambuplikong bahay. Mag punta po lamang sa munisipyo at humingi ng kopya o mag paisyu.