Mga pamamaraan sa pamamalagi / Pag papabago ng nasyonalidad
Resident card
Ang bagong sistema ng paninirahan sa Japan ay nagbago noong ika-9 ng Hulyo 2012. Mawawala na ang Alien card. Ang mga naninirahang dayuhan sa Japan ay maaatasan ng “Resident card”.
Re-entry permit
Ang mga uuwi sa sariling bansa na hindi aabutin ng isang taon ay hindi na kakailanganing kumuha ng re-entry permit. Ang card (embarkation card) na ibinibigay sa mga uuwi ay may dapat lagyan ng check.
Paraan ng pamamalagi
Magpunta po lamang sa malapit na imigrasyon sa inyong lugar kung mag papalit ng address at magpapa extension ng resident card. Maaaring makipag ugnayan sa immigration ayon sa mga impormasyon.
- Hiroshima Regional Immigration Bureau (TEL: 082-221-4411) Mapa
- Hiroshima Regional Immigration Bureau (Matsue office) (TEL: 0852-21-3834) Mapa
- Immigration Information Center for Foreigner (TEL: 0570-01-3904)
Kami po ay sumusuporta sa mga gustong magtanong ayon sa mga pamamaraan o proseso sa imigrasyon at paninirahan, gamit ang sa iba’t ibang wika.
Pagpapabago ng nasyonalidad
Ang pamamaraan ng pagpapabago ng nasyonalidad ay maaaring isagawa sa malapit na imigrasyon.