Pamumuhay
Pakikitungo sa mga Kapit bahay
Ang pag bati sa isa’t-isa ay isang uri ng manner. Ang magsalita (pag-uusap) ng malakas, malakas na yabag ng bata, ang iyak (tahol) ng alagang hayop, ang malakas na tunog ng TV at musika at ang pag lilinis (vaccum) ng madaling araw, ang ingay ng washing machine, ang lahat ng ito ay isang dahilan ng pag-aaway ng magkapit bahay.
Apartment / Mansion (condominium)
Mangyaring huwag pong mag lagay ng anumang bagay sa (mga pasilyo at hagdan) pampublikong lugar, dahil ito ay magiging sagabal sa paglikas sa oras ng kalamidad o di inaasahang pangyayari.
Kapag may nangyaring problema sa mga residente, mangyaring komunsulta sa management o asosasyon.
Basura
Para mapaganda ang ating kapaligiran, mangyaring mag recycle po tayo at para magkaroon tayo ng mapagkukunan. Paghiwa-hiwalayin at tandaan ang araw ng pagkolekta, lokasyon ng koleksyon, dahil ayon sa rehiyon at lugar ay naiiba ang araw at lokasyon ng pagtatapon ng basura.
Asosasyon ng magkakapit bahay / Asosasyon ng mga residente
Kahit saang munisipalidad (ugnayan ng magkakapit bahay) ay may tinatawag na organisasyon. May ipinapasang (kaylanban) notice, balita, mga pagsasanay, araw ng pyesta at mga babala para sa mag kakapit bahay. Ang mga miyembro ng grupo ay nag babayad ng membership fee. Ang pagsali dito ay nasa sa inyo.
Kapag bumisita o bibisita
Tanggalin ang sapatos o tsinelas sa may pinto kapag papasok ng bahay. Kapag may tsinelas pang loob ay magpalit. Kapag ang kwarto ay “tatami”, tanggalin ang tsinelas.