Volunteer ng community interpreter
Ito ay boluntaryong gawin ng interpretasyon ng iba’t-ibang sitwasyon sa pang araw-araw na pamumuhay tulad ng (konsulta sa administratibong abogado, edukasyon, medikal, welfare, iba’t-ibang konsultasyon at mga gawain kaugnayan sa residenteng tinitirhan, atbp). (Hindi maaaring mag tatranslate ng dokyumento)
Pagkatapos mag-aral ng pagsasanay na kurso sa Shimane International Center, ay mag sumite ng application form, mag kakaroon ng simpleng interbyu at pag katapos ay marerehistro bilang isang community interpreter.
Mga kailangan sa pag paparehistro
- Nauunawaan ang sistema, masigasig sa mga gawain
- May kakayahang makipag-usap sa higit sa dalawang wika, kabilang ang wikang Hapon
- Naninirahan sa prefecture o ang pinag tatrabahuhan ay sa paligid ng prefecture o istudyante na 18 taong gulang o mas matanda (Gayunpaman, maliban mag-aaral sa high school)
Gabay sa sistema ng pag-gamit ng volunteer ng komyunidad interpreter (wikang Hapon lamang)
™Kung bubuksan ang PDF file at mag pi-print ay kailangang mag download ng Adobe ® Reader (walang bayad). Kung wala ka nito ay i-click ang banner para mai download.