Transportasyon

Dito sa Shimane prefecture ang ginagamit na pang transportasyon ay bus, train at taxi. Ang pag bili ng ticket ay depende sa kumpanya ng transportasyon.

Panuntunan ng trapiko

Ang lakadan ng tao ay sa bandang kanan,ang mga sasakyan at bisekleta ay sa bandang kaliwa. Binibigyan ng prayoridad ang mga tao kaysa sa sasakyan.

Ang pag mamaneho ng nakainom ay mahigpit na ipinagbabawal.Ang kasamang nakasakay sa sasakyan at ang nag painom (may ari ng inuman “omise” kaibigan) ng alak ay mabibigyan din ng kaparusahan.

Mga dapat sundin sa pagsakay ng bisekleta

Bicycle driver training course」 ay nag umpisa na para maiwasan ang panganib sa pagsakay ng bisekleta.

Mgasistemasapag-sakaysabisikleta(Tagalog)

Kapag may nangyaring aksidente

  1. Kapag nasugatan idayal ang 119 at tumawag ng ambulansya.
  2. Kapag pulis ang kailangan idayal ang 110 (mag pagawa ng sertipiko ng aksidente)
  3. Alamin ang pangalan, address at numero ng telepono ng nakaaksidente o ng naaksidente.

Pag-papalit ng lisensya (Foreign license to Japanese license)

Kakailanganin ang lisensya sa sariling bansa (Ipatranslate sa ng JAF o administratibong ahensiya na nag-isyu ng dayuhang lisensya o opisina ng konsulado ng bansang iyon ay kinakailangan), kailangan na may pruweba na umuwi sa sariling bansa at may total na 3 buwan. Kapag napatunayan at nasuri na ikaw ay maaaring mabigyan ng lisensya ng Hapon, mag apply ng Driver license center (Matsue shi at Hamada shi), may eksamin sa (paper test at test ng pag mamaneho).