Pag-aaral
Sistema ng bansang Hapon ayon sa pag-aaral
Ang normal na sistema ng pag-aaral sa Japan ay elementarya 6 na taon, Junior high school ay 3 taon, high school ay 3 taon at ang kolehiyo ay 4 na taon (bokasyonal ay 2 taon). Bago mag elementarya, meron ding kindergarten at nursery.
Ang patakaran sa pag-aaral ng elementary ay (6-12taong gulang) Junior high school (12-15taong gulang). Sa patakarang ito ang acceleration ay hindi pinapayagan. Ang pasukan ay nag uumpisa tuwing buwan ng Abril hanggang sa susunod na taon ng Marso.
Pag lipat ng paaralan / Paraan ng pag eenrol
Kung mag-aaral sa pampublikong eskwelahan ay mangyaring sabihan ang mga prospective na tanggapan, Board of Education at lokal na pamahalaan na nais pasukan ng bata. Kapag sa pribadong paaralan, may mga pamamaraan sa paaralan na gagawin.
Sa Shimane International Center ay meron ding sistema ng pagsuporta para sa mga dayuhang bata na nag tuturo ng wikang Hapon.
Ang sistema ng pag papaenroll at gastos sa eskwelahan
Sa publikong paaralan, ang mga libro sa junior high school ay libre. Ang dapat bayaran ay ang tuition fee, pag kain sa eskwelahan at ang field trip.
Kung may problema sa pera, pwedeng gamitin ang school aid system na ikokonsulta ng paaralan sa Ministry of Education. Gayun din sa mga mag-aaral sa pribadong paaralan.
Mga aktibidad sa eskwelahan
Sa eskwelahan ay may mga aktibidad tulad ng pag bisita ng guro sa bahay para tingnan ang kalagayan sa pamumuhay ng bata at pag punta ng magulang sa eskwelahan upang sumali sa klase ng anak at marami pang iba. Pag summer ang P.E ng mga estudyante ay swimming ito ay parte ng subject.
Edukasyon ng wikang Hapon
May mga nag tuturo ng wikang hapon ayon sa bayan o lugar.