Sa mga manggagawa (ayon sa trabaho)
- Q: May posibilidad ba na makapag-trabaho ang taga-ibang bansa na may asawang hapon o Japanese spouse?
- A:
Depende sa kalagayan ng paninirahan mo (residence status). Kung may qualification ka gaya ng Spouse or child of Japanese, long term resident, Spouse or child of Permanent Residents ay walang limit sa pagtatrabaho. Pakikumpirma lang sa resident card kung may nakasulat na “(shuro seigen nashi) walang limitasyon ang pagtatrabaho” na nakasulat sa resident card.
Para sa mga detalye, pakitanong lamang sa Immigration Information center (TEL: 082-502-6060) Mayroong nasa wikang Japanese, Chinese, at English (Weekday 9:00~12:00a.m., 1:00~4:00p.m.)
- Q: Nagtrabaho ako sa Japan, pero hindi ako nakakatanggap ng suweldo. Kung ang kumpanya ay nalulugi, anong mangyayari? Anong batas ang naaayon dito o saan ako dapat pumunta tungkol sa pagbabayad ng suweldo sa Japan?
- A:
Sa Japanese Labor Standards Act, ang employer ay may tungkuling dapat bayaran sa nagkakahalaga ng pinagtrabahuhang matatanggap ng empleyado karaniwan na ang isang beses isang buwan. Ito’y magiging paglabag sa batas kung hindi mababayaran. Kailangan mong i-report ito sa labor standards supervision station upang magkaroon ng jurisdiction over the location of the establishment as soon as possible, at humingi ng administratibong pagpapayo na nakabase sa authority of the official of the Labor Standards Inspection Office.
Contact information: Labor Standards Inspection Office in Shimane:
- Matsue: 0852-31-1166
- Izumo: 0853-21-1240
- Hamada: 0855-22-1840
- Masuda: 0856-22-2351
Osaka labor bureau (06-6949-6490) Naglalaan ng konsultasyon para sa wikang English (Monday, Wednesday), Portuguese (Wednesday, Thursday), Chinese (Wednesday).
Tungkol naman sa hindi pagbabayad ng suweldo gawa ng pagkabankrupt o pagkalugi ng kumpanya, ang trabahador ay maaring mabayaran ng hindi nabayarang suweldo ayon sa “The system of a payment for another for unpaid salary” mula sa Japan Labor Health at Welfare Organization. Paki kumpirma lamang ng mabuti ang tungkol dito.