SIC kurso ng wikang Hapon “Tonari de nihongo”
*Kung bubuksan ang “Furigana” na nasa tuktok ng pahinang ito, ang hiragana ay idaragdag sa kanji.
Mga maaaring sumali

- Abala sa trabaho
- Mayroon akong maliliit na anak at hindi makalabas ng mahabang panahon.
- Malayo ang Japanese language school at wala akong sasakyan.
Ito ay isang programa para sa mga may kadahilanang tulad ng mga nabanggit, gustong mag-aral ng wikang Hapon ngunit hindi makadalo sa mga lokal na klase ng wikang Hapon.
Nilalaman ng Kurso
- Maaaring makipag-usap sa simpleng Japanese.
- Ito ay isang A1 level* na kurso para sa mga matatanda.
- Magsanay sa pakikipag-usap. Hindi pag-aaralan ang grammar.
- Sa kabuuan, ang pag-aaral ay 90 minuto ng 10 beses.
- Gagamitin ang orihinal na materyal sa pagtuturo, “Tonari de Nihongo.” Kasama sa mga tema ang “Pagpapakilala sa sarili,” “Ang mga gusto o hilig gawin, “Saang bansa nag mula,” at “Aking mga araw ng pahinga.”
- Ito ay libre.
- Ang kursong ito ay para sa mga hindi makadalo sa klase ng wikang Hapon at naninirahan sa Shimane Prefecture.
*Para sa impormasyon sa mga antas ng wikang Hapon, mangyaring tingnan po lamang dito.
Mga hakbang bago mag simulan ang pag-aaral
Ang rehistrasyon mula Abril 2025 hanggang Marso 2026
Ika-4 ng Abril hanggang ika-18 ng AbrilIka-6 ng Hunyo hanggang ika-20 ng HunyoIka-11 ng Hulyo hanggang ika-26 ng HulyoIka-5 ng Setyembre hanggang ika-19 ng Setyembre- ka-25 ng SetyembreーIka-20 ng Oktubre
Para sa mga gustong sumali….
①Mangyaring mag-apply sa Shimane International Center (SIC).
- Mangyaring mag-apply sa pahina ng aplikasyon sa panahon ng aplikasyon.
- Kapag nag-apply ka, mangyaring ipaalam sa amin kung kailan at saan mo gustong mag-aral.
- Maaaring piliin ng mga mag-aaral na mag-aral sa kanilang sariling tahanan, pampublikong pasilidad na malapit sa kanilang tahanan(*), o online (Zoom).
*Mga pampublikong pasilidad: Mga sentro ng komunidad, pampublikong bulwagan, atbp.
[Pahina ng aplikasyon]
② Ibabagay ka ng SIC sa Japanese language partner.
③ Kilalanin ang iyong kapareha sa wikang Hapon upang kumpirmahin ang nilalaman ng iyong aralin at magpasya sa isang iskedyul. Ang staff at interpreter ng Shimane International Center ay sasali din sa unang pag pupulong.
④Magsisimula ang pag-aaral.
Speech ng mga nag-aral sa “Tonari de nihongo”
Ang ilan sa mga mini-speeches ng mga mag-aaral na natutunan sa “Tonari de nihongo” ay makikita sa “SIC Channel” ng Youtube. Mangyaring tingnan po lamang ang video.
