*Kung bubuksan ang “Furigana” na nasa tuktok ng pahinang ito, ang hiragana ay idaragdag sa kanji.

Sino ang maaaring sumali?

Ang mga klaseng ito ay iniayon sa inyong Japanese level at para sa mga gustong matuto ng wikang Hapon na magiging kapaki-pakinabang sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Maaaring lumahok ang sinumang nakakatugon sa lahat ng sumusunod na pamantayan ① hanggang ③.

① Mga naninirahan o nagtatrabaho sa Shimane Prefecture

② May edad na 16 nataon o mas matanda

③ Kayang ihanda ang lahat ng kailangan para sumali online na klase, tulad ng smartphone, computer, at koneksyon sa internet.

Nilalaman ng kurso

  • Matututuhan ang wikang Hapon na kinakailangan para sa iba’t ibang aspeto ng buhay sa Japan, tulad ng pagtatrabaho, pamimili, paglilibang, pagkain, at pakikisalamuha sa ibang tao.
  • Ito ay kurso para sa mga nasa hustong gulang, A1 hanggang A2 level*.
  • Mag-aaral ang Class 1, 90 minuto x 15 session, at ang Class 2-4 ay mag-aaral ng 90 minuto x 20 session.
  • Ang mga materyales sa pagtuturo ay “Irodori Japanese for Everyday Life“. (The Japan Foundation). Ito ay isinalin sa iba’t ibang wika. Mangyaring i-click po lamang dito.
  • Ito ay libre.
  • Mayroon pong apat na klase.

*Para sa impormasyon sa mga antas ng wikang Hapon, mangyaring tingnan po lamang dito.

Unang klase

  • Hiragana at Katakana (orihinal na materyales sa pagtuturo)
  • “Irodori: Japanese for Everyday Life, Introductory/A1” Aralin 1-8

Pangalawang klase

  • “Irodori Japanese for Everyday Life Introductory/A1″ Aralin 9-18

Pangatlong klase

  • “Irodori Japanese for Everyday Life Beginner 1/A2” Aralin 1-10

Pang-apat na klase

  • “Irodori Japanese for Everyday Life Beginner 1/A2” Aralin 11-18

Mga hakbang bago mag simulan ang pag-aaral

Ang rehistrasyon mula Abril 2025 hanggang Marso 2026

Ang aplikasyon para sa kursong Mayo hanggang Setyembre 2025 ay mag-uumpisa sa Abril.

Ang aplikasyon para sa kursong Oktubre 2025 hanggang Pebrero 2026 ay mag-uumpisa sa Setyembre.

Para sa mga gustong sumali….

①Mangyaring mag-apply sa pahina ng aplikasyon sa panahon ng aplikasyon.

Pahina ng aplikasyon

inihahanda pa lang

②Isasagawa ang pagsusuri sa antas at pagpapasyahan ang mga klase.

③Kapag napagpasyahan na ang iyong klase, ipapadala sa iyo ng SIC ang mga materyales sa pag-aaral sa pamamagitan ng koreo.

④Magsisimula na ang pag-aaral.