Ito ay isang abiso mula sa Immigration Services Agency of Japan.

Ang mga dayuhan, tulad ng mga teknikal na intern na hindi nagtrabaho sa kumpanya dahil sa bagong coronavirus, ay bibigyan pansamantala ng isang espesyal na katayuan na visa “espesyal na aktibidad” na may maximum na isang taon upang maaari silang magpatuloy sa pagtatrabaho sa Japan.

Kung pinilit na tumigil sa pagtatrabaho sa kumpanya at nahihirapang maghanap ng ibang kumpanya, maaari kang makahanap ng trabaho na may pambansang suporta.

Mangyaring tingnan ang leaflet para sa mga detalye.

Easy Japanese

Para sa mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan po lamang sa iyong lokal na Immigration Services Agency o sa branch office. Maaari din pong gamitin ang interpreter sa telepono sa One Stop Center.