Ang Shimane International Center at Shimane Prefecture JICA Desk ay magkakaroon ng “Paligsahan sa pagkukulay ng larawan”. Sa tulong ng ilustrador na si Chikae Takahashi, naghanda po kami ng anim na mga larawan na nagpapakita ng imahe sa mundo. Mahirap ang lumabas sa panahong ito, bakit hindi ka mag-enjoy at mag-relaks sa mga larawang ito sa bahay? Mayroon po kaming mga award na premyo para sa mga may kakaiba o magandang mga gawa. Inaasahan po namin ang inyong pakikilahok, mula sa mga bata hanggang sa matatanda!

Asia

Africa

Latin

Para sa iba pang detalye kung paano mag-aaplay, tingnan lamang po dito.
Ang deadline po ng aplikasyon ay sa ika-25 ng Mayo (Lunes)
Ang resulta po ay i-aannounce sa ika-5 ng Hunyo (Biyernes)
Ang mga impormasyon ay maaaring tingnan sa mga sumusunod na SNS accounts !

Shimane International Center Facebook

Shimane International Center Instagram

Japan International Cooperation Agency Shimane Prefecture JICA desk OV meeting Instagram

Nakipagtulungan sa larawan

Chikae Takahashi
Ipinanganak sa Lungsod ng Yasugi. Aktibo siya bilang isang ilustrador, na may hawak na solo exhibition at mga guhit sa libro.
Gayundin, bilang isang JICA Overseas Cooperation Volunteer, siya ay ipinadala sa Africa at Niger sa maikling panahon upang magturo ng volleyball.
Dahil nagsimula siyang magtrabaho sa Sri Lankan curry shop na “Indoa” sa Matsue, regular na syang bumibisita sa Sri Lanka upang matutonan ang pagluluto at para ituro ang volleyball, na siyang pambansang isport ng Sri Lanka.