Ang Shimane International Center at Shimane Prefecture JICA Desk ay magkakaroon ng “Paligsahan sa pagkukulay ng larawan”. Sa tulong ng ilustrador na si Chikae Takahashi, naghanda po kami ng anim na mga larawan na nagpapakita ng imahe sa mundo. Mahirap ang lumabas sa panahong ito, bakit hindi ka mag-enjoy at mag-relaks sa mga larawang ito sa bahay? Mayroon po kaming mga award na premyo para sa mga may kakaiba o magandang mga gawa. Inaasahan po namin ang inyong pakikilahok, mula sa mga bata hanggang sa matatanda!

Asia

Africa

Latin

Shimane International Center Facebook
Shimane International Center Instagram
Japan International Cooperation Agency OV Shimane Prefecture JICA desk meeting Instagram

Paano makakakuha ng mga larawan

Ang mga larawan ay naka-post sa website na ito at sa itaas ng SNS account. I-download lamang po ang larawan at i-print ito sa iyong printer.

I-click po dito para sa pamamaraan

Sino ang maaaring mag-apply

Ang sinumang naninirahan sa Japan ay maaaring mag-aplay.

Ang mga gawa na maaaring isali

Target na mga larawan:  Mga larawan sa itaas 1-6
Bilang ng larawan:  1 katao ay maaaring mag-aplay ng kahit ilan ang gusto mo.

I-click dito para sa iba pang impormasyon

Paraan ng aplikasyon

Kuhanan ng litrato ang inyong kinulayang larawan at ilagay ito sa iyong Facebook account o Instagram account “publiko” at idagdag ang lahat ng mga hashtags sa ibaba upang mai-upload ito.
#sicnurie #jicanurie #shimane

I-click po dito para sa pag-sali

Parangal

Ang mga sumusunod na parangal ay mapipili mula sa mga isinumite na gawa.
Ang mga nagwagi ay ipapahayag sa ika-5 ng Hunyo (Biyernes) sa website na ito at sa itaas na SNS account.

I-click po dito para sa iba pang impormasyon

Iba pa

● Ang mga isinabmit na kinulayang larawan ay maaaring mai-post sa website ng Shimane International Center, sa SNS account sa itaas, o ididisplay sa mga eksibisyon.
● Ang ibinigay na mga Larawan, 1 hanggang 6 ay maaaring magamit para sa mga sumusunod na layunin sa ibaba at sa SNS. Hindi pwedeng gamitin o ikalat para sa iba pang layunin.

  • Upang mag-apply para sa paligsahan na ito
  • Upang mag-enjoy sa tahanan
  • Para gamitin sa mga pasilidad sa pangangalaga ng bata at edukasyon

● Ang bayad sa paggamit ng larawan, bayad sa selyo, bayad sa aplikasyon, atbp para sa pagdaraos sa paligsahang ito ay hindi hihilingin ng Shimane International Center at Shimane Prefecture JICA Desk.

Kontact / Aplikasyon

Shimane International Center coloring staff
〒690-0011 369-1 Higashitsuda-cho, Matsue City
Telephone: 0852-31-5056
FAX: 0852-31-5055
E-mail: admin@sic-info.org

Sponsor

Shimane International Center
Shimane Prefecture JICA Desk

Tungkol sa pag-iingat ng personal na impormasyon

Ang inyo pong impormasyon sa aplikasyon ay gagamitin lamang upang patakbuhin ang patimpalak na ito.
Sumasang-ayon ang mga aplikante na ang Shimane International Center at Shimane prefecture JICA Desk ay magkakasamang hahawakan ang personal na impormasyon para sa hangaring ito.