Mangyaring mag-apply Hanggang ika-25 ng Mayo, 2020 (Lunes) sa pamamagitan ng paggamit ng alinman sa A, B, o C sa ibaba.

A. Mag-upload gamit ang iyong sariling “publiko” account

Kuhanan ng litrato ang inyong kinulayang larawan at ilagay ito sa iyong Facebook account o Instagram account “publiko” at idagdag ang lahat ng mga hashtags sa ibaba upang mai-upload ito.
#sicnurie #jicanurie #shimane

B. Mag-upload sa account ng Shimane International Center / Shimane Prefecture JICA Desk

Kuhanan ng litrato ang inyong kinulayang larawan at i-padala ito sa SNS account ng Facebook messenger o Instagram DM. I-post ito alinman sa isa sa mga account.

C. Magpadala ng e-mail o ipadala sa post office sa Shimane International Center

E-mail

Mangyaring i-scan o kuhanan ng litrato ang kinulayang larawan, isulat ang iyong (1) pangalan, (2) numero ng telepono, at (3) bansa / rehiyon ng pinagmulan sa katawan ng e-mail at ipadala ito sa Shimane International Center. Mangyaring ilagay sa pamagat ng e-mail ay “coloring”.

Post office mail (dapat dumating, hindi lalampas ng ika-25 ng  Mayo)

Mangyaring ipadala ang kinulayang larawan at isama ang isang papel na nakasulat ang iyong (1) pangalan, (2) numero ng telepono, (3) bansa / rehiyon ng pinagmulan sa Shimane International Center sa pamamagitan ng postmail.
* Mangyaring bayaran ang bayad sa pagpapadala.
* Ang ipinadalang larawan sa postmail ay hindi maibabalik.