Ang Shimane Prefecture  at Shimane International Center ay nagre-recruit ng mga mag-aaral para sa SIC Japanese Language Course 《Netto de Nihongo》.

Halina at sumali!

Tungkol sa 4 na klase《Netto de Nihongo》

Pang Lunes na Klase lebel 1

  • Ika-15 ng Mayo hanggang ika-21 ng Agosto  (15 beses sa kabuuan)
  • Tuwing Lunes 7:00pm – 9:00pm
  • Matutong magbasa at magsulat ng hiragana at katakana.
  • Pag-aaralan ang simpleng A1 level (*) komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa wikang Hapon na kailangan para sa pang-araw-araw na pamumuhay. Para sa aklat-aralin, gagamitin natin ang Aralin 1 hanggang 8 ng “Irodori: Japanese for Life Starter/A1”. (Makikita ang textbook dito)

Pang Huwebes na Klase lebel 2

  • Ika-18 ng Mayo hanggang ika-28 ng Setyembre (20 beses sa kabuuan)
  • Tuwing Huwebes 10:00am -12:00pm
  • Pag-aaralan ang simpleng A1 level (*) komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa wikang Hapon na kailangan para sa pang-araw-araw na pamumuhay. Para sa aklat-aralin, gagamitin natin ang Aralin 9 hanggang 18 ng “Irodori: Japanese for Life Starter/A1”. (Makikita ang textbook dito)

Pang Lunes na Klase lebel 3

  • Ika-15 ng Mayo hanggang ika-25 ng Setyembre (20 beses sa kabuuan)
  • Tuwing Lunes 7:00pm – 9:00pm
  • Pag-aaralan ang simpleng A2 level (*) na komunikasyon sa wikang Hapon at mga pakikipag-ugnayan na kailangan para sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang aklat-aralin ay mula sa Aralin 1 hanggang 8 ng “Irodori: Japanese for Life Elementary 1/A2”. (Makikita ang textbook dito)

Pang Huwebes na Klase lebel 4

  • Ika-18 ng Mayo hanggang ika-28 ng Setyembre (20 beses sa kabuuan)
  • Tuwing Huwebes 10:00am -12:00pm
  • Pag-aaralan ang simpleng A2 level (*) na komunikasyon sa wikang Hapon at mga pakikipag-ugnayan na kailangan para sa pang-araw-araw na pamumuhay. Para sa aklat-aralin, gagamitin natin ang mga aralin 9 hanggang 18 ng “Irodori Japanese for Life Elementary 1/A2”. (Makikita ang textbook dito)

Antas ng pag-aaral ng wikang Hapon

Mangyaring suriin ang mga sumusunod bago mag-apply

  • Mag-aral online. Mangyaring ihanda ang mga kinakailangang bagay tulad ng smartphone, computer, at internet connection, atbp.
  • Ang Textbooks ay ipapadala ng Shimane International Center.
  • Mag-aaral gaya ng class format.
  • 15 katao ang maaaring sumali.
  • Maaaring sumali ang mga sumusunod 1. at  2.

     1. Mga residente ng Shimane prefecture o mga nagtatrabaho sa Shimane prefecture

     2. 16 taong gulang o mas matanda

  • Magkakaroon ng level check test bago magsimula ang klase.
  • Sa huling araw ng klase, ay magkakaroon ng huling pagsusulit. Mangyaring siguraduhin na dumalo.

Paraan ng pag-aaplay

Mangyaring mag-apply sa alinman sa mga sumusunod na pamamaraan.

Application form(Microsoft Forms)

Mangyaring mag-aplay dito

Mail

Isulat ang mga sumusunod na A to G at ipadala sa e-mail. Sa title ay  isulat ang klase na gusto mong pag-aralan. 

E-mail: sic-nihongo2@sic-info.org

A Pangalan   B e-mail address    C Numero ng Telepono (kung meron) D Bansa 

E Lengwahe       F Address    G Anong gagamitin (smartphone, tablet, computer)

Panahon ng pag-aaplay

Ika-7 ng Abril, 2023 (Biyernes) – ika-26 ng Abril (Miyerkules)

Flyers

(Pang Lunes na klase lebel 1)

(Pang Huwebes na klase lebel 2)

(Pang Lunes na klase lebel 3)

(Pang Huwebes na klase lebel 4)