Ito ay isang paunawa mula sa Cabinet Secretariat New Coronavirus Infectious Diseases Control Office.

Mangyaring makipagtulungan sa mga sumusunod na punto upang maisagawa nang ligtas ang pagdiriwang.

Mga puntong dapat tandaan upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon

  • Huwag lumahok sa event o pagtitipon na may kainan kung
    masama ang pakiramdam
  • Kung lalahok naman sa event o pagtitipon na may kainan, puspusang isatupad ang mga pangunahing hakbang laban sa impeksyon na naaayon sa sitwasyon, tulad ng pagsiguro ng angkop na distansiya sa kapwa, paghuhugas at pagdidisimpekta ng mga kamay at daliri, puspusang bentilasyon, at iba pa.
  • Sundin ang mga patakaran sa paglahok sa event na ipahihiwatig ng organizer ng event
  • Lalo na sa dapat iwasan ng mga matatanda, mga may underlying condition, at mga may regular na pakikipag-ugnayan sa mga ganitong tao, iwasang dumalo sa mga event o pagtitipong may kainan na malamang na mangyaring sarado/siksikan/magkakalapit at ang mga pangunahing hakbang sa pag-iwas ng impeksyon tulad ng puspusang bentilasyon ay hindi lubusang sinusunod.
  • Ayon sa pangangailangan, pag-isipan din ang online na paglahok sa event, at iba pa
  • Kung may hinalang nahawa sa COVID-19, makipagtulungan sa konsultasyon sa outpatient/pagpapagaling na ayon sa risk na lumala ang sintomas atbp., ayon sa lokal na kalagayan ng impeksyon atbp. Kung may katanungan atbp. kaugnay sa
    konsultasyon sa outpatient atbp., tumawag sa serbisyo ng konsultasyon atbp. ng munisipalidad kung saan nakatira.

【Tungkol sa Pagsusuot at Pagtanggal ng Mask】

  • Magiging saligan ang indibidwal na pagpasya sa pagsusuot ng mask.
  • Hinihiling ang inyong konsiderasyon upang hindi puwersahin ang
    pagsusuot o pagtatanggal ng mask na labag sa kalooban ng mismong tao,
    at marespeto ang subhetibong pagpasya ng indibidwal.

※ Sa pagpasya ng tagapangasiwa ng negosyo, maaaring hilingin na magsuot ng mask at maaaring nakasuot ng mask ang mga empleyado

Mga pag-iingat para sa pag-iwas sa impeksyon

Tungkol sa pag susuot ng mask