Ang Shimane Prefecture at Shimane International Center ay naghahanap ng mga lalahok para sa SIC Japanese language Course na “TONARI DE NIHONGO” para sa pangatlong termino ng taong 2022.

Para sa mga dayuhang residente na gustong mag-aral ng wikang Hapon ngunit “walang Japanese language class na malapit” o “Hindi tugma ang day off sa trabaho sa araw ng pag-aaral”, mayroon pong Japanese partner na malapit sa inyo.

Maaari ka ring mag-aral online.

Sa kursong ito ay matututunan ang simpleng wikang Hapon para makipag-usap sa mga Hapon sa paligid mo. (Maaaring tanggihan ang pag-sali sa mga may higit na kakayahan sa pag-sasalita ng wikang Hapon sa oras ng aplikasyon.)

Ang Pangatlong termino ng pag-aaral ay simula Nobyembre hanggang Pebrero.

Libre ang pag-sali.

Kung gustong lumahok, mangyaring punan ang application form na nasa WEB page at mag-apply sa Shimane International Center mula ika-19 ng Oktubre (Miyerkules) hanggang ika-7 ng Nobyembre (Lunes). Ang kapasidad ay 30 grupo, at kung maraming aplikante, ito ay magiging lottery.

Para sa mga detalye, pakitingnan po lamang ang leaflet.

Tapos na ang rehistrasyon

Form ng pag-paparehistro

Tapos na ang rehistrasyon