Ang Shimane Prefecture at Shimane International Center ay magsasagawa ng isang programa na “2022 Wings of Exchange in Shimane” para sa pagpapalitan ng mga dayuhang kabataan at mga kabataan ng bansang Hapong naninirahan sa Shimane Prefecture!

Japanese

Tagalog

Petsa / Nilalaman

1.Unang exchange program

Petsa at oras

Ika-22 ng Oktubre (Sabado) 1:30pm – 4:30pm

Lugar

Matsue Katsudo Center (43 Shirakata Honmachi, Matsue City)

Nilalaman

  • Magkakaroon ng opening ceremony.
  • Ipakilala ang sarili.
  • Maglaro at magsaya.
  • Ipapaliwanag ang ikalawang exchange program.

2. Pangalawang exchange program

Petsa at oras

Ika-29 ng Oktubre (Sabado) 10:00am – 5:00pm

Lugar

Shinji Furusato shinrin koen (3353-2 Sasou, Shinji-cho, Matsue City)

Nilalaman

Ang tema ngayong taon ay “Pag-unawa sa Kagubatan”.

  • Makinig sa mga kwento tungkol sa kagubatan.
  • Nature Trail: Maglalakad nang magkakagrupo sa forest park at sagutin ang mga pagsusulit sa mga checkpoint.
  • Mag-enjoy sa tanghalian na niluto sa tubo ng kawayan.
  • Subukan ang mga aktibidad (ang mga nilalaman ay inaayos pa lamang)

Sino ang maaaring sumali

Target

Mga dayuhang nakatira sa Shimane Prefecture na may edad 18 taong gulang hanggang 30 taong gulang (simula noong Abril 1, 2022)

Bilang ng tao

21 katao (first-come-first-served basis)

Wika

Ang exchange program ay isasagawa sa Japanese.

Mayroong interpreter sa wikang Ingles, Tsino, Tagalog, Portuges at Vietnamese kung kinakailangan.

Iba pa

Lumahok sa dalawang exchange programs, unang programa (ika-22 ng Oktubre) at pangalawang programa (ika-29 ng Oktubre) . (Hindi maaaring lumahok nang isang beses lamang.)

Bayad

Libre

Sasagutin ng Shiamane International Center ang gastos sa pampublikong transportasyon para sa paggalaw sa loob ng Shimane Prefecture.

Aplikasyon

Paano mag-apply

Mangyaring punan ang application form sa ibaba.

Application form (Pumunta sa Microsoft Forms)

Deadline ng aplikasyon

Hanggang Miyerkules, ika-12 ng Oktubre

First-come, first-served basis. Magsasara kapag naabot namin ang kapasidad.

Iskedyul & Oras Oktubre 22, 2022 1:30 hapon ~ 4:30 hapon
Oktubre 29, 2022 10:00 umaga ~ 5:00 hapon
Bayad sa pagsaliLibre
Makipag-ugnayan saShimane International Center
Tel.: 0852-31-5056
E-mail: admin@sic-info.org
Numero ng telepono sa iba't-ibang wika: 070-3774-9329 (Konsultasyon sa iba'tibang wika, Go-en Shimane)