Ang panahon ng aplikasyon ay na-extend!【Mag-uumpisa ang klase sa Hunyo】JICE Kurso ng wikang Hapon gamit sa trabaho (libre)
Posted
Impormasyon mula sa Japan International Cooperation Center (JICE).
Maaari mong pag-aralan ang “wikang Hapon para sa trabaho” sa Izumo City nang walang bayad.
Target
Ang mga dayuhan na nakatira sa Japan na mayroong mga sumusunod na visa:
- Permanent resident
- Spouse or child of Japanese national
- Spouse or child of Permanent Resident
- Long-term Resident
Tungkol sa kurso
Antas 1 (numero ng kurso 268)
Ang kursong ito ay para sa mga taong ngayon palang mag-aaral. Nakakapag salita ng kaunting wikang Hapon, nahihirapang magbasa at magsulat ng hiragana at katakana.
- Panahon: Ika-4 ng Hunyo 2025 hanggang ika-29 ng Agosto 2025
- Petsa at oras: Lunes, Miyerkules at Biyernes 9:00am – 12:00pm
- Lugar: Acty Hikawa
≪Panahon ng aplikasyon≫ ika-13 ng Hunyo 2025 ※Ang panahon ng aplikasyon ay na-extend!
≪Level Check Test≫ Ipapaalam po namin sa inyo ang petsa, araw at lugar, kapag napag desisyunan.
Aplikasyon
Mag-apply po lamang sa pinakamalapit na Hello Work.
* Kung maraming aplikasyon, maaaring maagang matapos ang pag-tanggap.
<Ano-ano ang dadalhin>
- 1 larawan (3 cm ang lapad x 4 cm ang haba)
- Residence card o pasaporte
Paalala
★ Siguraduhin po lamang na kumuha ng pagsusulit para sa pagsusuri ng antas. Depende sa mga resulta ng pagsusulit, maaaring hindi ka makatanggap ng pagsasanay.
Ano dadalhin: Lapis at pambura
Organizer
Japan International Cooperation Center (JICE) ![]()
Para sa iba pang impormasyon
Hijioka Haruka
TEL:080-4336-0397 (Wikang Hapon / Portugues)
