Ito ay isang anunsyo mula sa Japan Federation of Bar Associations.

Magkakaroon ng online na konsultasyon legal na ang layunin ay para magbigay ng payo, para malutas ang mga problemang kinakaharap ng mga dayuhang naninirahan sa Japan, tulad ng mga dayuhang trainees na dumanas ng kahirapan sa pamumuhay dahil sa epekto ng bagong impeksyon sa coronavirus. 

Mayroong libreng interpreter para sa wikang Ingles, Tsino, Portuguese, Spanish, Thai, Vietnamese at Tagalog.

Kinakailangan ng maagang pagpapareserba, at libre ang konsultasyon.

Para sa mga detalye, pakitingnan po lamang ang URL sa ibaba o ang leaflet. (wikang Hapon /Ingles po lamang)

(Free Legal Consultation for Foreign Residents in the COVID-19 Pandemic) 

(Home page ng Japan Federation of Bar Associations)

Petsa at oras

Marso 18, 2022 (Biyernes) 1:00 pm – 4:00 pm

Marso 19, 2022 (Sabado) 1:00 pm – 4:00 pm

Pamamaraan sa paghawak

 Idaraos sa pamamagitan ng Zoom Online na meeting (kinakailangan ang kumpletong reservation)

Bayad sa pagsali

Libre

Kapasidad

Pinakamataas na ang 15 katao bawat araw * Oras ng konsultasyon: Humigit-kumulang 45 minuto bawat tao

Mga Detalye / Paano mag-apply

Mangyaring mag-apply mula sa application form sa ibaba.

Deadline ng aplikasyon:  Ika-2 ng Marso, 2022 (Miyerkules)

https://form.qooker.jp/Q/auto/ja/covidsodangaij/reserve

* Depende sa status ng aplikasyon, maaaring isara ang aplikasyon bago mag deadline.

* Ipapaalam namin sa inyo kung paano lumahok sa pamamagitan ng e-mail, sa taong nag-apply para sa kaganapan kapag nalalapit na ang petsa.

* Kung hindi ka namin makontak sa pamamagitan ng e-mail, ituturing namin ito bilang isang pagkansela.

Nag-organisa

Japan Federation of Bar Associations

Flyer