Impormasyon mula sa Japan International Cooperation Center (JICE).
Maaari mong pag-aralan ang “wikang Hapon para sa trabaho” sa Izumo City nang walang bayad.

Target

Ang mga dayuhan na nakatira sa Japan na mayroong mga sumusunod na visa:

  • Permanent resident
  • Spouse or child of Japanese national
  • Spouse or child of Permanent Resident
  • Long-term Resident

Tungkol sa kurso

Masinsinang kurso (antas 1)

Ang mga taong nag-aaral ng wikang Hapon sa unang pagkakataon ay maaari ding lumahok.

  • Panahon: Ika-20 ng Mayo, 2022 (Biyernes) – ika-17 ng Hunyo, 2022 (Biyernes)
  • Petsa at oras: Lunes, Martes, Huwebes, Biyernes 9:00am -12:00pm, 1:00pm – 4:00pm
  • Lugar: (1) Sun Abilities Izumo (2) Izumo Civic hall

Aplikasyon

Mag-apply po lamang sa pinakamalapit na Hello Work.

Deadline: Ika-13 ng Mayo

* Kung maraming aplikasyon, maaaring maagang matapos ang pag-tanggap.

<Ano-ano ang dadalhin>

  • 1 larawan (3 cm ang lapad x 4 cm ang haba)
  • Residence card o pasaporte

Mga Tala

★ May level check test muna. Depende sa resulta ng pagsusulit, maaaring hindi ka makatanggap ng pagsasanay.

・ Petsa: ika-16 ng Mayo (Lunes) 9:30 ~

Lugar: Sun Abilities Izumo

・ Ano ang dadalhin: Lapis at pambura

★ Dahil sa coronavirus (COVID-19), maaaring magbago o makansela ang panahon ng kurso.

Organizer

Japan International Cooperation Center (JICE) 

Para sa iba pang impormasyon

Hijioka Haruka
TEL:080-4336-0397

Flyer