Ang Shimane Prefecture at Shimane International Center ay nagre-recruit ng mga sasali para sa SIC Japanese language course na “Netto de Nihongo”.

Halina at sumali!

4 na klase ng “Netto de Nihongo”

Pang Huwebes na klase 1

  • Araw at oras: Tuwing Huwebes 7:00pm – 9:00 p.m.
  • Level check test bago ang klase: Ika-1 ng Mayo (Miyerkules) 9:00am – 12:00pm o ika-2 ng Mayo (Huwebes) 6:00pm-9:00pm
  • Panahon ng pag-aaral: Ika-9 ng Mayo (Huwebes) hanggang ika-22 ng Agosto (Huwebes) (15 mga aralin sa kabuuan)
  • Mga nilalamang pag-aaralan: ① Pag-aralan ang hiragana at katakana. Gagamitin namin ang orihinal na materyales sa pagtuturo ng Shimane International Center.
  • Mga nilalaman ng pag-aaralan: ② Pag-aaral ang antas ng A1 (*) komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa mga Hapones na kailangan para sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang mga materyales sa pagtuturo na gagamitin ay Aralin 1 hanggang 8 ng “Introduction to Irodori/A1 (Japan Foundation)”.

(Maaaring tingnan ang mga materyales sa pagtuturo ng Ingles dito. Ang mga materyales sa pagtuturo sa iba’t ibang wika ay maaaring matingnan dito.)

Pang Miyerkules na klase 2

  • Araw at oras: Tuwing Miyerkules 10:00am – 12:00am
  • Level check test bago ang klase: Ika-1 ng Mayo (Miyerkules) 9:00am – 12:00pm o ika-2 ng Mayo (Huwebes) 6:00pm – 9:00pm
  • Panahon ng pag-aaral: Ika-8 ng Mayo (Miyerkules) – ika-25 ng Setyembre (Miyerkules) (20 mga aralin sa kabuuan)
  • Mga nilalaman ng pag-aaralan: Pag-aaralan ang antas ng A1 (*) na komunikasyon sa wikang Hapon at mga pakikipag-ugnayan na kailangan para sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang mga materyales sa pagtuturo na gagamitin ay mga aralin 9 hanggang 18 ng “Introduction to Irodori/A1 (Japan Foundation)”.

(Maaaring tingnan ang mga materyales sa pagtuturo ng Ingles dito. Ang mga materyales sa pagtuturo sa iba’t ibang wika ay maaaring matingnan dito.)

Pang Huwebes na klase 3

  • Araw at oras: Tuwing Huwebes 7:00pm – 9:00p.m.
  • Level check test bago ang klase: Ika-1 ng Mayo (Miyerkules) 9:00am – 12:00pm o ika-2 ng Mayo (Huwebes) 6:00pm – 9:00pm
  • Panahon ng pag-aaral: Ika-9 ng Mayo (Huwebes) hanggang ika-26 ng Setyembre (Huwebes) (20 mga aralin sa kabuuan)
  • Mga nilalaman ng pag-aaralan: Pag-aaralan ang antas ng A1 (*) na komunikasyon sa wikang Hapon at mga pakikipag-ugnayan na kailangan para sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang mga kagamitang panturo na gagamitin ay mga aralin 1 hanggang 8 ng “Irodori Beginner 1/A2 (Japan Foundation)”.

(Maaaring tingnan ang mga materyales sa pagtuturo ng Ingles dito. Ang mga materyales sa pagtuturo sa iba’t ibang wika ay maaaring matingnan dito.)

Pang Miyerkules na klase 4

  • Araw at oras: Tuwing Miyerkules 10:00am – 12:00am
  • Level check test bago ang klase: Ika-1 ng Mayo (Miyerkules) 9:00am – 12:00pm o ika-2 ng Mayo (Huwebes) 6:00pm – 9:00pm
  • Panahon ng pag-aaral: Ika-8 ng Mayo (Miyerkules) – ika-25 ng Setyembre (Miyerkules) (20 mga aralin sa kabuuan)
  • Mga nilalaman ng pag-aaralan: Pag-aaralan ang antas ng A2 (*)  komunikasyon sa wikang Hapon at mga pakikipag-ugnayan na kailangan para sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang mga materyales sa pagtuturo na gagamitin ay mga aralin 9 hanggang 18 ng “Irodori Beginner 1/A2 (Japan Foundation)”.

(Maaaring tingnan ang mga materyales sa pagtuturo ng Ingles dito. Ang mga materyales sa pagtuturo sa iba’t ibang wika ay maaaring matingnan dito.)

*Antas ng wikang Hapon

Para sa mga gustong sumali, mangyaring basahin ang 1 hanggang 7 bago mag-apply.

1) Mag-aral online. Mangyaring ihanda ang lahat ng kailangan, tulad ng smartphone, computer, at koneksyon ng internet.

2) Ang mga aklat-aralin ay ipapadala sa pamamagitan ng koreo mula sa Shimane International Center.

3) Mag-aral sa format ng klase.

4) Hanggang 15 tao ang maaaring lumahok sa isang klase, at hanggang 12 tao ang maaaring lumahok sa ibang mga klase.

5) Ang mga sumusunod na tao (1) at (2) ay maaaring mag-aplay.

     1 – Mga taong nakatira o nagtatrabaho sa Shimane Prefecture

     2 – Mga taong higit sa 16 taong gulang

6) Bago magsimula ang klase, magkakaroon ng level check test.

7) Mangyaring siguraduhin na dumalo. Sa huling araw ng bawat klase ay magkakaroon ng final exam.

Paano mag-apply

Kung gusto mong lumahok, mangyaring mag-apply gamit ang paraan 1 o 2.

1 – Application form (Microsoft Forms)

Tagalog

 2 – E-mail

Mangyaring isulat ang mga sumusunod na item at ipadala sa pamamagitan ng e-mail.

Pamagat: Netto de Nihongo Moshikomi

1) Pangalan

2) E-mail address

3) Numero ng telepono (kung magagamit)

4) Bansa

5) katutubong wika

6) Address

7) Klase na gusto mong pag-aralan (isa lang)

8) Ano ang iyong ginagamit (smartphone, tablet, computer)

9) Petsa kung kailan ka maaaring kumuha ng pagsusulit (piliin ang Mayo 1 o Mayo 2)

Email address: sic-nihongo2@sic-info.org

Panahon ng aplikasyon

Ika-5 ng Abril, 2024 (Biyernes) hanggang ika-24 ng Abril, 2024 (Miyerkules)

Flyer

Tagalog

Impormasyon sa pakikipag-ugnayan

Shimane International Center (tagapamahala: Senda)

E-mail address: sic-nihongo2@sic-info.org

Numero ng telepono: 070-3774-9329 (iba’t-ibang wika), 0852-31-5056 (wikang Hapon)