Gaganapin ang Parent-Child Plaza na “Laro ng Mundo, Tayo’y Magka-kaibigan!” sa Misato Town.
Posted
Tuklasin natin ang mundo kasama ang inyong mga anak!
Sa Shimane International Center, maghahanda kami ng isang event kung saan maaaring makilahok at magsaya ang mga magulang at anak sa pag-explore ng mga kultura ng Brazil, Pilipinas, at Vietnam. Magkakaroon ng ekperiyensya ng mga pagbati mula sa iba’t ibang wika, sasagutan ang mga masayang quiz, at magsasaya sa iba’t ibang aktibidad nang magkakasama! Magkakaroon din ng story time gamit ang mga picture books sa iba’t ibang wika at mga “world games” na puwede ring laruin ng mga magulang kasama ang mga anak.
Kahit magkaiba man ang wika, kung tayo ay makikisaya at maglalaro nang magkasama, lahat tayo ay magiging magkaibigan!
Halina at maranasan nating mag-enjoy tayo habang pinapalawak ang interes sa multiculturalism at international exchange!
Para sa karagdagang detalye, pakitingnan ang flyer sa ibaba..
Target na mga kalahok
Ang pangunahing target na maaaring lumahok ay ang mga bata (edad 3 hanggang elementarya) at ang kanilang mga tagapag-alaga, pero pwedeng sumali rin ang ibang mga bata at matatanda. Mga magulang at bata na konektado sa ibang bansa, pamilyang Hapones, miyembro ng lokal na komunidad—lahat ay welcome na sumali o dumalo !
*Ang mga bata na nasa elementarya o mas matanda pa ay pwedeng sumali mag-isa.
Paano Lumahok
A: Form sa aplikasyon (magbubukas sa bagong window sa isang external na site) para sa advance registration
(*Ang mga mag-a-apply nang maaga ay makakatanggap ng maliit na regalo sa araw ng event / Deadline ng aplikasyon: Martes, Setyembre 8)
B: Hindi kailangan mag-apply, maaari rin lumahok sa mismong araw.
| Iskedyul & Oras | Setyembre 13, 2026 10:30 umaga ~ 12:00 hapon |
|---|---|
| Lugar | Misato Town Hall, Community Hall |
| Bayad sa pagsali | Libre |
| Makipag-ugnayan sa | Shimane International Center - Western Branch Office Tel:0855-28-7990 Mail:hamada@sic-info.org |
