Ang Shimane Prefecture at Shimane International Center ay magsasagawa ng isang programa na “2023 Wings of Exchange in Shimane” para sa pagpapalitan ng mga dayuhang kabataang naninirahan sa Shimane Prefecture at mga kabataang Hapones!

Inaasahan namin ang pakikilahok ng mga dayuhang kabataan na naninirahan sa Shimane Prefecture.


(update noong ika-24 ng Agosto)
Nagangailangan pa ng mga dayuhang kabataan.
Ang target ay mga dayuhang naninirahan sa Shimane Prefecture na ang edad ay nasa pagitan ng 18 at 35 taong gulang (Abril 1, 2023).
Ang deadline para sa mga aplikasyon ay ika-28 ng Agosto  (Lunes) .
First-come, first-served basis.
Mangyaring mag-apply mula sa application form sa ibaba.

Tagalog

Petsa/Nilalaman

1. Unang exchange program

Petsa at oras

Ika-2 ng Setyembre (Sabado) 1:30pm – 4:30pmm

Lugar

Matsue Citizen Activity Center (STIC) (43 Shiraki Honmachi, Matsue City)

Nilalaman

  • Magkakaroon ng opening ceremony.
  • Pag papakilala ng sarili.
  • Maglaro at magsaya.

2. Pangalawang exchange program

Petsa at oras

Ika-23 ng Setyembre (Sabado) 10:00am – 4:30pm

Lugar

Matsue Tersa (478-18 Asahimachi, Matsue City), Matsue city

Nilalaman

Pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng paglalakad sa paligid ng lungsod ng Matsue.

3. Ikatlong exchange program

Petsa at oras

Ika-21 ng Oktobre (Sabado) 10:00am – 5:00pm

Lugar

Shinji Furusato Forest Park (3353-2 Sasabu, Shinji-cho, Matsue City)

Nilalaman

  • Pakikinig sa kwento tungkol sa kagubatan.
  • Nature Trail: Maglalakad nang magkakagrupo sa forest park at sagutin ang mga pagsusulit sa mga checkpoint.
  • Masiyahan sa tanghalian na niluto sa tubo ng kawayan.
  • Mga hands-on na aktibidad (ang mga nilalaman ay inaayos)

Sino ang maaaring sumali

Target

Mga dayuhan na naninirahan sa Shimane Prefecture na may edad 18 hanggang 30 (mula Abril 1, 2023)

Bilang ng tao

21 katao (first-come-first-served basis)

Wika

Ang exchange program ay isasagawa sa wikang Hapon.

Merong wikang Ingles, Tsino, Tagalog, Portuges at Vietnamese kung kinakailangan. (Interpret)

Iba pa

Mangyaring lumahok sa lahat nang, una (Setyembre 2), pangalawa (Setyembre 23), at pangatlo (Oktubre 21) na mga exchange program. (Hindi maaaring lumahok nang isang beses lamang.)

Bayad sa pag sali

Libre

Sasagutin ng Shimane International Center ang gastos ng pampublikong transportasyon sa paggalaw sa loob ng Shimane Prefecture.

Pag-aaplay

Paraan ng pag-aaplay

Mangyaring punan ang application form sa ibaba.

Application Form (Pumunta sa Microsoft Forms)

Deadline ng aplikasyon

Kailangang dumating bago ang ika-23 ng Agosto (Miyerkules)

First-come, first-served basis. Magsasara kapag naabot namin ang kapasidad.

Iskedyul & Oras Setyembre 2, 2023 1:30 hapon ~ 4:30 hapon
Setyembre 23, 2023 10:00 umaga ~ 4:30 hapon
Oktubre 21, 2023 10:00 umaga ~ 5:00 hapon