Impormasyon

Impormasyon Tulong para sa mga Biktima at Napinsala ng Bagyo sa Leyte

①Ang samahan ng mga kababaihan sa Shimane Prefecture Matsue Pinoy Kapit Bisig na Pinamumunuan ni Evangeline Hamasaki ay nagtipun -tipon upang magsagawa ng pondong tulong para sa mga napinsala ng bagyo sa Leyte noong nakaraang ika-8 ng Nobyembre sa Pilipinas. Sinimulan na nila ng November 16 to December 2.
Ang kabuuang donasyon o halagang nalikom po nila mula sa magandang loob ng mga tao ay umabot sa 782,671yen at ito po ay naihatid sa branch ng Japanese Red Cross Society ng Shimane December 3 , Maraming-maraming salamat po sa inyong mainit na pagsuporta.
②Tulong para sa mga Napinsala ng bagyo sa Leyte
Napakarami pong nabiktima ng bagyo sa Leyte ayon sa Philippine National Disaster Task Force nasa 5000 ang namatay at may mga nawawala pa, 395,000,000 ang mga nawalan ng tirahan.
Sa tulong ng mga samahan sa Matsue Pinoy Kapit Bisig, Shimane International Center at Pampubliko sa pakikipagtulungan ng Shimane Prefecture(Cultural Living Environment Section and International Division) maari n'yo pong ipagpatuloy ang pagbibigay ng tulong o lunas sa mga nabiktima at napinsala ng bagyo sa Leyte, ipapadala po ng Japanese Red Cross Society. Mangyari lamang po na unawain na hindi po matatanggap ang inyong tulong sa naturang kalakal(goods)
●Nagsimula po ng December 3,2013 to February 14, 2014 ang tanggapan ng mga tulong para sa nabiktima ng bagyo.
●1)Bank Transfer
Bank Name: Sanin Godo Ginko Futsu Kencho Shiten
Uri: Normal(Futsu Yokin)
□Bank Account no.:3656292
□Account Name: Biktima ng Bagyo sa Pilipinas
2)Remittance o registered mail
Address:Matsue Higashi Tsuda 369-1 Shimane International Center
"Philippine Typhoon Victims "
3)Kung magdadala po ng cash
.Shimane International Center
.6th flrShimane prefectural Office
Hours:8:30~5:15pm maliban sa legal holidays, Hanggang Dec.27, at magbubukas ang opisina ng Jan,6,2014

Ito po ay SIC mobile phone email newsletter
Upang makarehistro, makagamit at makatanggap nito ng libre
Tingnan lamang po dito

» Next: 
Impormasyon mula sa Shimane ukol sa Pag-iwas Kalamidad
« Previous: 
Event mula sa Vogel Park ng Matsue