Impormasyon

Katanungan at sagot sa Bagong Sistema ng Pagpaparehistro ng mga Residente Part2

Tanong= Saan ako makakakuha ng resident card?
Sagot= ●Para sa mga taga-ibang bansang bago pa lamang darating sa Japan:Kung kayo ay papasok sa Japan o kaya'y sa NARITA,HANEDA,CHUBU at KANSAI airports at magiging mid-to-long-term resident o maninirahan ng mahigit sa 90 days,kayo ay maiisyuhan kaagad ng resident card.
.Sa mga ibang port of entry,ang description ng "Resident Card ay saka pa lamang ma-iisyu"tatatakan ito sa inyong pasaporte o lalagyan ng selyo ang inyong passport,at ang resident card ay ipapadala pagkatapos sa pamamagitan ng registered mail sa lugar kung saan kayo ay nakarehistrong lugar o nakatira at napasabihan mula sa opisina ng munisipyo.
(Kung hindi kayo nakatanggap ng resident card sa loob ng dalawang linggo pagkatapos na mapadalhan sa lugar ng mga naninirahan,paki puntahan lamang po ang Immigration Bureau of the Ministry of Justice:03-3580-4111)
●Sa mga taga-ibang bansa naman na naninirahan sa Japan:.Maiisyuhan kayo ng Resident Card sa Regional Immigration Bureau.


Ito po ay SIC mobile phone email newsletter
Upang makarehistro, makagamit at makatanggap nito ng libre
Tingnan lamang po dito

» Next: 
Event in Matsue
« Previous: 
Summer Festival ng Nima