Impormasyon

Tanong at Sagot tungkol sa bagong sistema ng pagpaparehistro ng mga residente Part 1

Tanong= Ano ang mga pagkaka-iba ng "Resident Card" at "Alien Card"?
Sagot= .Ang resident card ay iniisyu lamang sa taga-ibang bansa na may pahintulot mamalagi sa Japan ng mid-to-long-term(para sa mahigit 90 days),pero hindi sa mga namamalagi ng illegal sa Japan.
.Makikita n'yo sa resident card, madaling malaman ang kaibhan kung ang taga-ibang bansa may pahintulot o pemiso sa trabaho o wala.
.Halos lahat ng impormasyong kailangan sa rehistrasyon ay nakalista sa alien card.Sa resident card naman konti lang ang nakalistang impormasyon para sa layuning pampersonal na proteksiyon.
.Kung ipapalagay kailangan ng certificate of seal,civil contract,rehistro ng pag-aari para sa pagtatayo ng kumpanya,pagbubukas ng bank account,atbp.,sa alien registration card maari ng mag-isyu kahit ang mga nagpaplanong mamalagi sa Japan ng 90 days o mas maikli pa,pero sa ilalim ng bagong sistema,walang resident card na iiisyu o ipapalabas para du'n sa mga tao.


Ito po ay SIC mobile phone email newsletter
Upang makarehistro, makagamit at makatanggap nito ng libre
Tingnan lamang po dito

» Next: 
Impormasyon para sa lahat ng mga naninirahan sa Shimane
« Previous: 
Impormasyon mula sa NHK