Impormasyon

Araw ng Pahinga sa Japan

Hello!-mula sa SIC
Maligayang bati at Manigong bagong taon po sa lahat!. Kotoshi mo yoroshiku onegaishimasu.
[Araw ng Pahinga sa Japan]Ang seijin-no-hi sa taong ito ay sa ika-9(Lunes) ng Enero,itinatag nung 1948 bilang national holiday.Araw ng mga nasa edad na bente anyos.Mapapalad ang mga nasa edad na bente,kaya naman ginaganap taun-taon ang coming-of-age ceremony.Halos lahat ng kababaihan ay dumadalo sa seremonya ng may napakagandang ayos,nakakimonong mahaba ang manggas na furisode kung tawagin. Sa Japan,ang magdadalawampung taong gulang ay itinuturing nang nasa sapat na gulang o otona,mahalaga ang mga sandaling ito,bawat isa ay pinahihintulutang magkaroon ng karapatan bilang isang mamamayan.Nagsisimula sa pagbibigay ng karapatan sa pagboto.Ang pag-inom ng alak at paninigarilyo ay inaaprubahan na sa ganitong edad.


Ito po ay SIC mobile phone email newsletter
Upang makarehistro, makagamit at makatanggap nito ng libre
Tingnan lamang po dito

» Next: 
Event in Matsue
« Previous: 
SIC office hours during new year