Impormasyon

Manigong bagong taon po para sa lahat ngayong 2011...

Hello!-mula sa SIC!
Manigong bagong taon po para sa lahat ngayong 2011. Akemashite Omedeto-gozaimasu. Kotoshi mo yoroshiku onegaishimasu. Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagbabasa ng aming mail magazine.

[Japanese Holiday]Ang seijin-no-hi po. Sa taong ito, sa ika- 10 ng Enero, ang Coming of Age Day na itinatag nung 1948 bilang pambansang pahinga. Ang araw ng mga nasa edad na dalawampung taong gulang sinasabing sila'y mapapalad kaya't ang coming-of-age ceremony ay ginaganap. Halos lahat ng kababaihan ay dumadalo sa seremonya ng may napakagandang ayos, nakakimonong mahaba ang manggas (Furisode ang tawag). Sa Japan, ang magdadalawampung taong gulang ay nasa sapat na gulang na, mahalaga ang mga sandaling ito, bawat isa ay pinahihintulutan ng karapatan bilang mamamayan, isa na rito ang pagboto, pag-inom ng alak at paninigarilyo.

[The minimum wage in Shimane]Ang pinakamababang sahod sa Shimane ay binago na po, 642 yen sa bawat oras at ito'y epektibo simula pa nung ika-24 ng Oktubre, 2010. Para sa kapwa mga employer at employee siguruhin lamang po na tingnan ang inyong mga minimum wage!. Ang minimum wage system po ay sistema na ang mga employers ay dapat magbayad ng higit sa minimum wages ito ay binalangkas ng gobyerno base sa Minimum Wages Law to employees.
Paki tsek lamang po:
http://www.mhlw.go.jp/ (Ministry of Health,Labour and Welfare)

(Mail Magazine po mula sa cellphone naipadala nung ika-5ng Enero.)

» Next: 
Impormasyon para sa Disaster Prevention
« Previous: 
Iwami Ginzan Tour Guide in English/ SIC office hours during holidays