Impormasyon

Event sa Matsue/ Maging handa sa tag-lamig

Hello!-mula sa SIC po
[Event sa Matsue]Tingnan po natin ang unang pagsikat ng araw ng bagong taon sa tuktok o ibabaw ng Matsue Castle Tower.
Oras:6:30~8:30(Ang oras ng pagsikat ng araw:around 7:17 a.m.)
Bayad:550yen para sa mga may edad,at 280yen para sa mga bata
*Sa mga unang limampung(50)kataong pupunta
*Makikita ninyo ito mula sa field of the keep(Honmaru-Hiroba)na walang bayad.
Inaasahan ko po na magiging mabuti ang pakiramdam n'yo sa araw na 'to.

[Impormasyon para sa Wastong pamumuhay]Maging handa sa tag-lamig
●Mayroon tayong unang hamog na nagyeyelo sa panahon ngayon.Ito po ay oras na kailangan na nating maghanda para sa nakakahapo o nakakapanghinang taglamig.
●Ito rin po ay panahon ng sipon at ubo na umiikot sa paligid.Siguruhin na nakapagmumog,maghugas at sabunin ang kamay sa oras na makauwi ng bahay.
●Inirerekomenda po ang pagpapabakuna upang maiwasan ang pagkakaroon ng Influenza.Makukuha po natin ito sa halagang 3000yen sa mga medikal na institusyon.Tingnan lamang po ang halaga dahil may kaibhan o pagbabago ang klinika sa klinika.

(Mail Magazine po mula sa cellphone naipadala nung ika-1ng Disyembre.)

» Next: 
Highlighting Japan
« Previous: 
Christmas Liturgy Schedule