Impormasyon

Bounen-kai (Pagtitipon para sa pagtatapos ng taon)

Hello!-mula sa SIC

[Japanese Subculture]Bounen-kai(Pagtitipon para sa pagtatapos ng taon)at Shinnen-kai(Pagtitipon para sa bagong taon)-Ang Bounen-kai ay ginaganap sa tuwing magtatapos ang taon upang makalimutan kung ano man ang mga paghihirap,suliranin at hindi magagandang pangyayaring naganap sa buong taon at ito'y ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagkakaroon ng parti o mga kasiyahan at pag-iinom ng alak.
Kapag ang Disyembre ay sumapit,ito ay naplano na mula sa mga empleyado at kaibigan ng kumpanya.Sa mga panahong ito,maraming restaurant o kainan ang nagpapareserba at nililimitahan ang oras sa abot kayang halaga lalo na sa mga araw ng Biyernes at Sabado,pagkatapos ay pumupunta pa sila sa pangalawang parti,pangatlong parti.
Paghandaan po natin ang pag-inom,.holding one's liquor... maraming mga hapon ang napipilitang uminom ng alak para sa ibang tao sapagkat naniniwala silang ito ay kagandahang asal.Panatilihin ang taas ng pagsasamahan sa pagitan mo at ng iyong boss.kahit na sabihin pang "let's be frank today". Uminom ng supplement of turmeric bago uminom ng alak...nakakatulong ito upang hadlangan ang mga sakit na dulot ng pag-inom ng alak..paghahanda ng special party stunt gaya ng pagkanta ng mga awitin,pagbibiro,maliit na salamangka,at paggaya sa isang tao...nakakagawa ito ng tagumpay para sa mga tao at nakakabuti rin ito para makuha ang atensyon ng mga tao.
Kontrolin po natin ang ating mga sarili at mag-enjoy!!

(Mail Magazine po mula sa cellphone naipadala nung ika-17ng Nobyembre.)

» Next: 
Christmas Liturgy Schedule
« Previous: 
Impormasyon para sa pang-araw-araw na pamumuhay sa Matsue